Kopi Princess <data:blog.pageTitle/> - Adding a little caffeine to your life

Journal Juju: My Unusual Mother
Sunday, May 13, 2012 posted at 5/13/2012 11:41:00 AM ♥ 0 comments


I LOVE MY MOTHER...


Siguro at one point ay nasabi nyo na 'to sa nanay nyo at sasabihin nyo rin na ang nanay nyo ang the best. Pero dahil nanay ko siya at blog ko 'to, walang pakialamanan.

Anyways. Meron kaming unusual relationship ng nanay ko. Minsan parang kapatid ko lang siya. Minsan parang bestfriend ko lang siya at pero mas madalas nanay ko siya. Like most people, marami din siyang faults at sa totoo lang, marami na rin kaming napag-awayan. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ako nagrebelde dito sa nanay ko. But in the end ako din ang susuko at babalik na parang prodigal son.

Marami ding unusual na ugali ang nanay ko. Ito ang ilan sa mga yon:

- kapag may nagkakasakit sa amin. Required kaming magpatingin sa albularyo pagkatapos naming magpatingin sa doktor. Baka daw nabati siya

- sa bahay namin, laging nagpapalit ng posisyon ng mga gamit. Monthly routine ito na parang buwan-buwan ay napapalit ang feng shui sa bahay

- iba-ibang klase ng religion ang matatagpuan sa bahay. Although may mga santo na kami, may makikita ka pa ring mga joss sticks (gamit ng mga chinese) at recently ang kurtina namin ay indian inspired

- super- superstitious ang nanay ko. Pagpanhik mo sa taas ay may mga walis sa gilid to avoid bad spirits at elements. Madalas pa ay pagsasabihan ako nyan na sumunod na lang sa pamahiin dahil hindi naman daw masama.

-hindi masyadong techi ang nanay ko. Kung nahihirapan siya sa pagtitext, gigisingin niya ako kahit madaling araw para lang sabihin, "paki text mo nga si ganyan."

- every friday, magpapa-usok siya ng insenso (yung nabibili sa tindahan na mga bato) tapos iiikot sa buong bahay kesehodang mausukan ka at mangamoy insenso.

- alas singko pa lang ng hapon ay ititext na niya ako kung anong oras ako uuwi. Kapag hindi ako nagreply, ititext niya lang mga officemates ko

-alam din niya kapag nasa labas pa ako ng bahay. She had this vivid sense of ridiculous. Dati ilang beses na rin ako tumakas pero wala pang 10 minutes dudungaw na siya sa balkonahe at sisigaw ng "ssshhht" (na ngayon ay ginagaya na ng mga kaibigan ko para lokohin ako)

 marami pa yan kapag inisa-isa ko. Despite her unusual behavior, i love my mother to destruction. Kapag bad trip ako, alam niya agad. Hindi siya magsasalita. Kapag sinabi ko sa harap ng dining table namin na, "walang magtatanong, iiyak ako" Naiintindihan na agad niya, kakain lang siya at pagsisilbihan ako tapos magyayaya ng inuman. Ang you can never fault my mother when it comes to supporting her kids. Minsan kahit siya na halos ang gumawa ng lahat. Wala syang reklamo. Seeing my mother, i realize na ang pagiging nanay ang pinakamahirap na trabaho aside sa pagiging babae She maybe unusual to some but her ridicuolous behavior made me love her even more...